Bam inendorso ng TUCP

MANILA, Philippines -Inendorso ng grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) isa sa mga pinakamala­king grupo ng mga manggagawa sa buong bansa ang kandidatura ni Benig­no Bam Aquino.

Ang TUCP ay may hu­migit-kumulang na 1.2 milyon miyembro mula sa halos 30 federations sa iba’t ibang bahagi ng bansa. 

Ang pag-endorso ay pi­nangunahan ni TUCP partylist Rep. Raymond De­mocrito Mendoza, at kinabilangan ng iba pang mga kandidatong sinusuportahan ng TUCP. Ayon sa TUCP, si Aquino ay ka­bilang sa mga senatorial bets na “ipinakita ang ka­nilang paninindigan na suportahan ang ‘legislated wage increase’ sa 16th Cong­ress.”

Napag-usapan rin ng TUCP at ni Bam ang pagrepaso at pagsulong ng mas marami pang mga “pro-worker po­licies”, lalung-lalo na pagdating sa contractualization.

Show comments