MANILA, Philippines - Upang magkaroon na ng pangmatagalan at tunay na kapayapaan sa Mindanao inihayag ni UNA senatorial candidate Jack Enrile na dapat ay sumuporta ang pamahalaan sa territorial aspirations ng Sultanato ng Sulu sa pagbawi ng Sabah.
Iginiit ni Enrile na mayroon namang matibay na legal at historical basis para buhayin ang isyu ng Sabah matapos ang madugong engÂkwentro sa pagitan ng Malaysian forces at mga tagasuporta ng Sultanato ng Sulu.
Ayon kay Enrile, dapat na magkaroon ng mas malinaw na posisÂyon ang pamahalaan hinggil sa isyu para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon ng mga kapatid na Muslim.
Ang dapat aniya ay natalakay na ang natuÂrang isyu sa idinaos na ika-22nd Summit ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa Brunei noong unang bahagi ng nakaraang buwan at dinaluhan ng mga lider ng 10-member nations, ngunit hindi naman aniya natalakay ang isyu ng Sabah sa summit.
Sinabi ni Enrile na sa kasalukuyan ang Mindanao ay nakapagpo-produce ng 30 porsiÂyento ng kabuuang total rice output at isa sa panguÂnahing producer ng tuna at sardinas at iba pang cash crops tulad ng niyog, saging at kape.