^

Police Metro

Ex-cop nakauniporme nang mangholdap

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang manhunt operation ang isinagawa ng pulisya laban sa dati nilang kabaro na patuloy ang pagsusuot ng uniporme at mangholdap ng turista sa Ermita, Maynila naganap kamakalawa ng hapon.

Ang suspek ay kinila­lang si PO3 Eduardo Cayab­yab, dating nakatalaga sa MPD at residente ng no. 19 Dalisay St., Barangay Plainview, Mandaluyong City at isang di nakilalang lalaki na  kasamahan nitong nangotong habang sakay ng itim na SUV(RND-835).

Batay sa reklamo na idi­nulog sa tanggapan ng MPD General Assignment Section ng mga bik­ti­mang sina Takeshita Hiroyasu, 44, at Imagawa Masaharo, 45, kapwa turistang hapon at pansamantalang nanu­nuluyan sa Room 228 Ri­viera Mansion, Malate, Maynila, dakong ala-1:30 ng hapon, noong Linggo ay katatapos lang nila ku­main sa isang restaurant at habang nag­lalakad sa panulukan ng Mabini at Remedios Sts., Ermita nang sitahin sila ng mga suspek na sakay ng nasa­bing SUV.

Inutusan ng mga suspek ang mga biktima na sumakay sa kanilang sasakyan at ha­bang ang dalawa ay nasa loob ay tinakot silang ikukulong  saka kinunan pa ng litrato at hinalughog ang kanilang kagamitan at nang nakuha ang tinatayang P34,000 cash at saka sila pinababa.

vuukle comment

BARANGAY PLAINVIEW

DALISAY ST.

EDUARDO CAYAB

ERMITA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

IMAGAWA MASAHARO

MANDALUYONG CITY

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with