Magparehistro na sa Manila Bay clean-up run

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ikatlong Manila Bay Clean-Up Run sa ika-14 ng Hulyo.

Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa  3K, 5K, 10K, at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae.

Magkakamit ng tro­peo at cash prizes ang mag­wawagi sa bawat kate­go­riya. 

Maari na’ng magpalista sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City, or kaya sa Planet Sports (Trinoma), Athlete’s Foot (Alabang Town Center),  at ROX (Bonifacio Global City Taguig).

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, ma­aring tawagan ang Run­ners Link sa telepono bilang 482.5143 o kaya  0916.205.2787.

Show comments