Informal settlers sa Caloocan lulutasin
MANILA, Philippines - Inaasahan na marami pang pamilya mula sa hanay ng mga informal settlers na walang sariling tirahan ang tuluyan nang mabibiyayaan dahil sa pagpupursige ni Caloocan City Vice Mayor at Liberal Party (LP) congressional candidate Edgar “Egay†Erice na malutas ang suliranin ng kanyang mga kababayan.
Sa katunayan, ayon kay Erice, may mahigit na 400 pamilya sa Dagat-dagatan area o iyung mga nakatira sa lupain na pagmamay-ari ng Baello Estate ang pormal na napagkalooban ng kanilang tirahan nitong Pebrero 2013.
“Napakaraming taon na sila ay nakatira sa lugar na ito, subalit walang legal na karapatan dahil ito ay pribadong pag-aari kaya nang makarating sa kaalaman ng inyong lingkod ang kanilang kalagayan ay agad ako nakipag-ugnaÂyan at humingi ng tulong kay Pangulong Noynoy Aquino na agad namang tumugon,†ani Erice.
Ayon kay Erice, ang nangungunang kandidato sa pagka-kongresista sa District 2 sa naganap na contract signing, lumalabas na sa murang halaga o sa ilalim ng socialized housing price babayaran ng mga apektadong pamilÂya ang lupa at sa loob pa ng 30 taon.
- Latest