2 HS student nalunod sa ilog

MANILA, Philippines - Dalawang high students na sumabak sa obstacle race ang natagpuang patay sa isang ilog sa Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Ang dalawang nasa­wi ay kinilalang sina Chris Isaiah Semila at Ji­reh Salang-uy, kapwa 15-­anyos at third year high school.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang dalawa na nakalutang sa ilog sa nasabing lugar.

Sa ulat na tinanggap ni Isabela Police Superintendent Narciso Paragas, ang mga biktima umano ay nahulog sa malalim na bahagi ng ilog habang sumasabak sa obstacle race ng Summer Baptist Youth Camp, noong Biyernes ng umaga.

Nabatid na walang salbabida ang dalawa nang lumusong sa ilog gayung kapwa hindi marunong lumangoy ang mga ito dahilan para sila ay malunod.

 

Show comments