^

Police Metro

Hindi ako susuko! - Mancao

Doris Franche-Borja, Joy Cantos, Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - ‘Hindi ako susuko at magtatago na lamang dahil sa wala akong maasahang hustisya’.

Ito ang sinabi at pinanindigan ni dating Police Superintendent Cesar Mancao dahil sa mas ramdam anya ang kaligtasan kung siya ay nasa labas ng kulungan.

“At least sa personal safety ko, may laban ako dito sa labas kaysa sa loob na madaling kitilin ang buhay na siyang kasunod na gagawin sa akin,” pahayag ni Mancao.

“Pinasok ang aking selda nang hindi ko alam, nakikita ko ‘yung footmarks ng sapatos. Hindi kanais-nais at mukhang may hindi magandang balak. Walang nakaka­kilala eh, kung may mangyari sa akin, eh ‘di walang makakakilala,” kuwento nito.

Kabilang sa kondisyon  ni Mancao sa kanyang pagsuko ay ang  katiyakan sa kanyang  kaligtasan, hustisya at pantay na pagdinig sa kaso.

Naniniwala din si Mancao na si Senador Panfilo Lacson ang nasa likod ng kanyang paghihirap.

“Sino pa bang ibang taong makikita kong mas powerful at maimplu­wensya sa panggigipit sa akin? Sinabi nga ng emissary na si Sen. Lacson ang susi. Kaya kinausap ang lahat. Pero pinanindigan niyang pahirapan ako. Siya ang dahilan ng aking paghihirap.”

Kaya nilapitan na ani­ya ng kanyang pamilya ang mga taong malalapit kay Lacson para ipatigil na ang pagpapahirap sa kanya. Kabilang na aniya ang kaniyang kapatid at anak at isa pang kapwa senador.
“Ginawa ko na lahat e. Parang wala na akong pag-asa e. Hindi magbabago ‘yung pag-hunt down niya sa akin,” dagdag pa ni  Mancao.

Hinimok naman ni Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas si Mancao na sumuko at  igagarantiya nito ang kaligtasan basta’t sumuko lamang sa batas.

Ginawa ni Roxas ang pahayag kasunod ng expose ni Mancao na plano umano siyang ipaligpit sa Manila City Jail kaya’t siya ay tumakas.

Nagtalaga na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group ng tracker team na tututok sa pagtugis laban kay Mancao.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GINAWA

KABILANG

KAYA

LACSON

MANCAO

MANILA CITY JAIL

POLICE SUPERINTENDENT CESAR MANCAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with