^

Police Metro

Rider dedo nang matuhog sa bakal

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas ang isang motorcycle rider nang tumuhog sa katawan nito ang bakal na karga ng isang trak matapos siyang sumal­pok dito kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Bukod sa pagkatuhog ng bakal na naging dahilan ng kamatayan ng biktimang si Dorotheo Rodriguez, ng Palanan, Makati City ay nagtamo rin ito ng grabeng pinsala sa ulo.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga ay mi­na­maneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (3937 TJ) nang mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa likurang bahagi ng nakaparadang Isuzu delivery truck (PJH-132)  sa harapan ng isang junk shop sa Iba Street.

Sa lakas ng pagkaka­salpok ay pumutok ang ulo ng biktima kahit nakahelmet at tumusok sa kanyang katawan ang ilang mga nakausling 10 mm.square bar na kabilang sa mga kargamento ng nakaparadang trak.

Ilang nakasaksi ang naghayag sa otoridad na masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo ng biktima at nagtangkang mag-overtake sa si­nusundang sasakyan ngunit nabulaga sa naka­paradang trak.

vuukle comment

BATAY

BUKOD

DOROTHEO RODRIGUEZ

IBA STREET

ILANG

ISUZU

MAKATI CITY

NALAGUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with