Ama na nakapatay ng anak, nag-suicide

MANILA, Philippines - Dahil sa kurot ng konsensiya at hindi matanggap ang pangyayari matapos aksidenteng mabaril at mapatay ang anak na dala­gita ay nagawa ng isang ama na magpakamatay naganap kamakalawa sa Purok 3, Brgy. Datagan, Bayog, Zam­boanga del Sur.

Ang dalagitang nasawi ay kinilalang si Michael Bulatoc, 15, habang ang ama nito ay nakilalang namang si Jerry Bulatoc, 35, magsasaka na nagbaril sa sarili matapos na aksidenteng mabaril at mapatay ang anak.

Batay sa ulat, alas-3:30 ng hapon habang nililinis ng suspek ang kaniyang homemade shotgun ay aksidente nitong nakalabit ang gatilyo na sumapul sa ulo ng anak na binawian ng buhay noon din.

Nang makita ng ama na bumulagta ang anak sa hindi sinasadyang pagkakabaril  at pagkakapatay sa anak ay itinutok naman sa kaniyang baba ang baril at kinalabit na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments