Supporter ni Ex-Gov. Panlilio dedo sa pamamaril

MANILA, Philippines -Patay sa pamamaril ang isang supporter ni dating Pampanga governor Eddie Panlilio naganap kahapon ng umaga sa labas ng bakuran nito sa bayan ng  Arayat, Pampanga.

Ang nasawi ay kinila­lang si Gaudencio Penuliar, 65, barangay kagawad sa naturang lugar.

Tumakas naman ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay nagwawalis ang biktima sa bakuran ng kanyang bahay sa Barangay San Agustin nang pagbabarilin ng mga suspek.

Inaalam pa ng otoridad kung ang pagpatay ay  may kaugnayan sa dara­ting na eleksyon.

Show comments