^

Police Metro

Informal settlers sa Parañaque, nabiyayaan ng bagong bahay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunga ng patuloy na pagpapatupad ng housing program ang Parañaque City government ay nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang maraming informal settler families (ISFs) sa lungsod.

Ayon kay Parañaque City Mayor Jun Bernabe, pinakahuli ang mga pamilya mula sa Kay Buboy Bridge sa Barangay San Dionisio na mga nakalipat sa kanilang bagong bahay sa resettlement site sa Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Ang nasabing relokasyon ay bahagi ng paglalayon ng national government na mailikas sa mas ligtas at malinis na lugar ang mga pamilya na ang bahay na nasa mapanganib na lugar tulad ng tabi ng mga kanal, riverbanks at dagat, at ma­ging sa ilalim ng mga tulay at sa gilid ng mga riles ng tren at airport.

Ang mga bagong bahay ayon kay Mayor Bernabe ay ipinatayo ng National Housing Authority gamit ang P10 billion annual allocation ni Pangulong Benigno S. Aquino para sa mga pamilyang apektado ng isinasagawang relokasyon ng pamahalaan.

Sa nasabing programa aniya ay babayaran ng bawat benepisyaryo ang kanyang bahay sa loob ng 30 taon, kung saan P200 kada buwan sa umpisa.

BARANGAY AGUADO

BARANGAY SAN DIONISIO

CITY MAYOR JUN BERNABE

KAY BUBOY BRIDGE

MAYOR BERNABE

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PANGULONG BENIGNO S

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with