MANILA, Philippines - Tatlong lalaki ang iniÂulat na nagbigti sa magkakahiwalay na lugar sa Pasig City, Parañaque at Maynila.
Sa ulat ng Pasig City police, alas-2:00 ng maÂdaling-araw nang maÂÂdisÂkubre ng ina ang pagÂbibigti ng anak na si Rochan Linsey, 25-anyos, binata, ng Caliuag St., PiÂnagbuhatan ng lungsod.
Sa salaysay ng ina na si Yola Linsey, 50-anyos, nag-umpisang gumamit ng iligal na droga ang anak noong 17-anyos pa lamang ito at kalalabas pa lamang umano nito sa rehabilitation center ay nagbalik sa dating bisyo.
Hinala ng pulisya, maÂaaring nasobrahan ng gamit ng shabu ang biktima at nag-hallucination kaya naisipang magbigti.
Nagbigti rin ang isang 27-anyos na si Elmer CerÂÂnichez, obrero ng NaÂÂpoleon Compound, United ParaÂñaque SubdiÂviÂsion (UPS) 5, Brgy. San Isidro ng lungsod dahil sa sobrang selos at probÂlemang pinansiyal ng paÂmilya.
Nabatid, dakong alas-6:00 kahapon ng umaga nang madiskubre ang pagÂpapatiwakal ng biktima ng kanyang dalawang anak sa loob ng kanilang bahay.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo ng alas-10:00 ng gabi nang pumasok sa trabaho ang misis nito na si Nenelyn biÂlang janitress sa isang kumpanya sa Makati City.
Ipinagtapat ni Nenelyn sa pulisya na malimit siÂlang magtalo ng mister dahil sa pagseselos nito ng walang dahilan at pinagÂhihinalaan na may kinalolokohang lalaki kapag pumapasok ng gabi.
Bukod sa selos, naÂmumÂrublema rin ang mag-asawa sa kakapusan sa pera dahil sa pagpapaaral sa kanilang 14-anyos na anak na isang pipi at bingi sa isang “special education†na paaralan na may bayad.
Ang pag-iwan naman ng kanyang pamilya ang umano’y dahilan nang pagbibigti ng biktima na si Ronaldo Mijares, 36, construction worker at resiÂdente ng no. 610 Lacson St., Sampaloc, Maynila kahapon ng tanghali.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ng kaanak ang pagbibigti ng biktima.
Nabatid na bago nagtungo sa ibang bansa ang misis ng biktima bilang overseas Filipino worÂker (OFW) ay nakipaghiwalay ito sa kanya at at iniwan din ng anak.
Dito na nagsimula ang pagiging malulungkutin ng biktima na nag-iisa na sa kaniyang buhay kaya’t sa sobrang depresyon ay nagbigti na lang ito.
Hindi na ipinasuri ng mga kaanak ang tatlong biktima sa pulisya sa paniniwala na walang foul play na naganap.