Pag-ambush sa convoy ng Lanao Del Norte Mayor hindi pulitika

MANILA, Philippines - Walang kinalaman sa pulitika ang naganap na pag-ambush sa convoy ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor Abdulmalik Manamparan na kung saan ay nasawi ang 13 katao at pagkasugat ng 10 iba pa noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa otoridad tukoy na nila batay sa binuong Special Investigating Task Group (SITG)  ang nasa likod ng pag-ambush matapos itong ituro mismo ng kampo ni Manamparan.

Rido o clan war ang pangunahing motibo sa krimen dahil kilala ng pamilya Manamparan ang ilan sa 10-15 kalalakihang nanambang sa mga ito pagsapit sa Brgy. Malaig habang papauwi galing sa campaign rally.

Patuloy namang sumi­sigaw ng hustisya ang pamilya Manamparan sa pagkamatay ng 30-anyos na anak na babae ng alkalde na si Adnani at mga supporters ng lokal na opisyal .

Si Mayor Manamparan na kasama sa nasugatan ay kumakandidatong vice mayor dahilan sa huling termino na nito bilang alkalde habang ang kandidatong mayor ay ang anak nitong lalaki sa ilalim ng partido ng Nationalist People’s Coalition.

 

Show comments