Bam inendorso ng Pinoys sa US

MANILA, Philippines - Isa si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino sa mga inendorso ng grupong US Pinoys for Good Governance (USP4GG).

Ayon sa grupo, halos puro Team PNoy candidates ang kanilang inendorso dahil gusto nilang maisaayos pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagpapatakbo ng bansa.

Ayon kay Aquino, ang bagong endorsement na ito ay isa pang pagpapatunay ng sinseridad at paninindigan ng Team PNoy para sa good gover­nance at integridad sa gobyerno.

Ang US Pinoys for Good Governance ay pi­nangungunahan ni Loida Nicolas-Lewis, isang tubong Sorsogon na ngayon ay isa na sa mga pinakamalalaking pangalan sa Amerika.

“Napakalaking bagay po ng endorsement ng US Pinoys for Good Governance, at lubos po ang ating pasasalamat sa inyong tiwala,” wika ni Aquino.

Ang USP4GG ay isa lang sa dumaraming grupo na naglalabas ng endorsement para kay Bam at isang mahalagang organisasyon ng mga overseas Filipinos sa Estados Unidos.

Show comments