MANILA, Philippines - Kapwa hindi na umabot ng buhay sa Zamboanga City Medical Center ang isang mag-asawang negosyante nang sila ay pagÂbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Talon-Talon, ZamÂboanga City.
Ang mag-asawa ay kiÂnilalang sina Francisco Natividad, 58 anyos at Myrna Natividad, 50-anÂyos. Nagtamo ang mga ito ng tama ng bala ng cal. 45 pistol at cal 9 MM sa iba’t ibang bahagi ng kaÂtawan.
Sa ulat ni Chief Inspector Ariel Huesca, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-3:10 ng hapon ay kaÂsalukuyang nasa bisiÂnidad ng main road ng Marquez Drive, Logoy Grande, Brgy. Talon-Talon ang mag-asawa nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo na umano’y ilang-araw ng tumutugaygay sa kanila.
Pagtapat sa mag-asawa ay agad itong pinagbabaril na kung saan ay duguang bumulagta ang mga una habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek.