MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva ang naganap na pag-ambush ng mga rebeldeng New People’s Army sa grupo ni GongoÂog, Misamis Oriental MaÂyor Ruthie De Lara Guingona,78 na nasugatan sa insidente habang nasawi ang dalawang escort nito at pagkasugat ng dalawang iba pa.
Sa pagdalaw ni VillaÂnueÂva sa Mindanao ay binisita nito si Mrs.GuinÂÂgona sa ospital at piÂnagdasal ang mabilis na paggaling nito dahil sa tinamong tama ng bala sa paa’t kamay.
Si Mayor Guingona ay asawa ni dating vice president Teofisto Guingona Jr., at nanay ni Sen. Teofisto “TG†Guingona III.
Ayon sa mga doktor na nasa ligtas nang kalagayan si Mayor Guingona na hindi na kumandidato bagkus ang anak nitong babae na si Marie ang kandidato sa pagka- Gingoog Mayor.
Samantala, iginiit kaÂhapon ni dating Vice-President Guingona Jr. na hindi nila matatanggap ang paghingi ng patawad ng National Democratic Front (NDF) matapos tambangan ang kanyang maybahay.
Hindi umano nila maÂtatanggap ang apology ni NDF-Mindanao spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris matapos ang ginawang pananambang ng NPA sa sasakyan ng kanyang asawa noong Sabado ng gabi sa bounÂdary ng Barangay Kapitulangan at Binakalan sa Gingoog City na ikinasawi ng driÂver at staff nitong sina Bartolome Velasco at Nestor Velasco habang nasagutan naman ang 2 police escorts nito.