MANILA, Philippines - Patay sa ambush ang dalawang bodyguard haÂbang sugatan si GiÂngoog City Mayor Ruth Guingona, misis ni dating Vice President Teofisto Guingona matapos tambangan ng grupo ng hinihinalang rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa may Barangay Binakalan ng nasabing lugar kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga nasawi na sina Bartolome Velasco at kapatid nitong si Nelson.
Nagtamo naman ng tama ng bala ang alkalde sa ibabang bahagi ng kanÂyang kanang tuhod at braso.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente ganap na alas-10:00 ng gabi habang sakay ang mga biktima ng pickup Hilux at tinatahak ang nasabing lugar papauwi ng kanyang bahay galing sa coronation night sa barangay fiesta sa Alagataan.
Pagsapit sa nasabing lugar ay pinaputukan ang convoy ng mga biktima.
Namatay noon din ang dalawang bodyguard habang nasugatan si Mrs.Guingona at isa pa nitong escort na si PO3 Rolando Venaverito.