Dalaga dinispatsa ng lover na tibo, naglason

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 24-­anyos na lady guard na naki­lalang si Janelyn Ulep ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pag-inom ng silver cleaner matapos hiwalayan ng ka-live in na tomboy na si Maryjane Catalan, 32 anyos, isa ring lady guard sa NAIA Terminal 3 naganap kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nabatid na dakong alas-8:20 ng gabi nang matuklasan ang pag-inom ng lason ni Ulep sa loob ng inuupahang silid sa 195 Baltao St., ng naturang lungsod matapos na magtalo sila ng lover na tomboy na may kinahuhumalingan ang biktima na isa ring tomboy.

Dahil dito, nag-text si Catalan kay Ulep at sinabing tinatapos na nito ang kanilang relasyon kung saan agad na nagkulong sa kwarto ang huli at tumungga ng silver clea­ner.

Show comments