Mister inutas sa dance floor

MANILA, Philippines - Tatlong tama ng saksak sa dibdib ang ikinasawi ng isang 55-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng isang lalaki na nakabangga nito sa dance floor sa isang disco party kamakalawa ng gabi sa Brgy. Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Augustin Raomran, residente ng Brgy. Lower Demorok, Molave ng lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ay kasaluku­yang masayang nagsasayaw ang biktima sa isang disco party sa Purok Uno, Sitio Com­pound, Brgy. Panagaan ng aksidente nitong nasagi ang suspek.

Kahit humingi ng paumanhin ang biktima ay hindi ito tinanggap ng suspek at sa halip ay binunot nito ang dalang patalim sa bewang at inundayan ng tatlong saksak ang biktima at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.

 

Show comments