MANILA, Philippines - Sa halip na magpaÂkalat ng mga Salita ng Diyos ay pawang pang-aabuso sa mga Pinoy ang dala ng dalawang naÂarestong Korean nationals na sina Rev. Oh Si Young at Lee Yeon Ho na kung saan ay naisalba ang 21 katao, kabilang ang apat na menor-de-edad na saÂpiÂlitang pagÂtatrabaho biÂlang construction worÂkers, sa Tent City, Brgy. Planas, PoÂrac, PamÂpanga.
Kinasuhan ng DepartÂment of Social Welfare and Development ang dalawa ng pagÂlabag sa Republic Act (RA) 9208 o human trafÂficking at 4 counts ng RA 7610 o Child Abuse and Exploitation Act.
Batay sa ulat, nagsaÂgawa ng rescue operation ang mga otoridad sa comÂpound ng God’s Love Theological SemiÂnary sa nasabing lugar maÂkaraan makatanggap ng ulat mula sa 29 seÂmiÂnarians/student na sila ay pinahihirapan sa trabaho bilang consÂtruction worÂker.