^

Police Metro

2 lalaki nahulog sa Maynila, todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi matapos na mahulog ang isa mula sa ika-apat na palapag ng gusali habang ang isa ay nahulog  naman sa bubungan ayon sa ulat ng pulisya.

Nabatid na dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima na si Leonides Hillar, 37, messenger/liason officer matapos na mahulog mula sa ika-4 na palapag ng gusali ng Missionway Manpower Services.

Malaki ang hinala ng pu­lisya na nakainom ang bik­tima nang ito ay atakehin ng kanyang nervous breakdown habang tinatangkang bumaba sa pasimano ng bintana kaya’t nahulog.

Nasawi rin ang isang 65-anyos na kawani ng Manila City Hall na si Lorenzo Palileo, may-asawa, karpintero at nakatalaga sa Vitas Slaughter House matapos na mabasag ang bungo at pagkabali ng mga buto sa tagliran nang mahulong mula sa kinukumpuning bubungan ng slaughter house kahapon ng alas-9:00 ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ayon sa salaysay ni Rodel Enriquez, 33, helper, umak­yat ang biktima sa bubong ng slaughter house upang kumpunihin ang mga butas ng yero nito. Habang ginugupit umano ng biktima ang yero na ipapalit sa luma nang umapak ito sa pamakuan, subalit bumigay ito at nahulog kung saan na­una umano ang ulo nito na bumagsak sa semento.

 

AYON

DALAWANG

HABANG

LEONIDES HILLAR

LORENZO PALILEO

MANILA CITY HALL

MISSIONWAY MANPOWER SERVICES

RODEL ENRIQUEZ

VITAS SLAUGHTER HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with