^

Police Metro

Rebulto ni Dolphy itinayo sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Upang bigyan ng pagkilala ang yumaong ‘King of Comedy’ na si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay, kaya ipinagpatayo ito ng rebulto sa harapan ng Museong Pambata sa TM Kalaw at Roxas Boulevard, Ermita, Maynila.

Binuksan sa publiko at pinasinayaan kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang ipinatayong rebulto ni Dolphy upang manatili ang alaala at mga nagawang kabutihan sa bayan at mga Pilipino.

Nais ni Lim na maging ang mga bago at sisibol pa lamang na henerasyon ay kilalanin, dakilain at gawing inspirasyon ang kabutihan ng actor na tahimik lamang na nagkakawang-gawa sa kapwa.

Dumalo sa pasinaya ang kapatid ni Dolphy na si Laura at mga anak na sina Dolphy Quizon, Jr., Vandolph, Epy, Eric, Ronnie, Nicole, Sally at Rolly  Quizon.

Sinaksihan din ng mismong iskultor na may gawa ng estatwa na si Jonas Roces ang pagbubukas sa publiko ng monumento at sina Movie and Television Review Classification Board chairman Atty. Eugenio `Toto’ Villareal, National Historical Commission of the Philippines executive director Ludovico Badoy at  Museo Pambata Foundation, Inc. president Cristina Yuson at marami pang iba.

CRISTINA YUSON

DOLPHY

DOLPHY QUIZON

JONAS ROCES

KING OF COMEDY

LUDOVICO BADOY

MANILA MAYOR ALFREDO S

MOVIE AND TELEVISION REVIEW CLASSIFICATION BOARD

MUSEO PAMBATA FOUNDATION

MUSEONG PAMBATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with