MANILA, Philippines -Todas ang pangulo ng United Divisoria North Harbor Jacinto Operators and Drivers Association (UDNAJODA) nang tagain at saksakin ng kasamahang driver, habang natutulog sa ibabaw ng kaniyang motorsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Roberto Custodio, 44, ng #109 Quezon St., Tondo.
Wanted naman sa mga awtoridad ang tumakas na suspek na kinilalang si Clarence Litang, 31, kasamahang driver ng biktima .
Ayon kay SPO2 Glenzor A. Vallejo ng Manila Police District-Homicide section, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang maganap ang pagpaslang sa biktima sa Road 10, kanto ng Jacinto St., Tondo.
Nagpapahinga ang biktima sa kaniyang motorsiklo nang pagtatagain at saksakin ng suspek.