^

Police Metro

Mister bulagta sa harap ni misis

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bulagta ang isang mister makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang ang biktima ay kausap ang kanyang misis sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Agad na nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Aldrin Garcia “alias Baldo”, 37,  ng Sampaguita St., Barangay  Tagalag, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon nina SP01 Jerry Dela Torre at P02 Ryan Glenn Isidro, ng Malabon City Police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 ng umaga sa tapat ng Longlife builing, kahabaan ng General Luna St., Barangay San Agustine, ng naturang lungsod.

Nabatid, na kababa lamang ng misis ng biktima at habang pinaparada nito ang  kanilang motorsiklo at nag-uusap nang dumating ang mga suspek  at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima habang hindi naman sinaktan ang ginang.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo ng krimen at madakip ang mga salarin.

vuukle comment

ALDRIN GARCIA

BALDO

BARANGAY SAN AGUSTINE

GENERAL LUNA ST.

JERRY DELA TORRE

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

RYAN GLENN ISIDRO

SAMPAGUITA ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with