^

Police Metro

DepEd inisnab ang media sa pagiging judge sa school paper

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang inisnab ng Department of Education (DepEd) ang mga mamamahayag na nagko-cover at naghahatid ng balita sa ahensya makaraang hindi mag-imbita bilang mga huwes sa nakalipas na “school paper contest” ng National School Press Conference (NSPC) ng mga mag-aaral sa “journalism” sa elementary at high school.

Nabatid na pawang mga college professors at ibang mga personal na kakilala umano ang inimbitahan ngayon ng DepEd bilang mga judges gayong karamihan sa mga ito ay hindi naman nakaranas ng tunay na pagiging “reporter” o pagsusulat sa tunay na pahayagan at puro teorya lamang.

Sinabi naman ni Tina Ganzon, outgoing Director ng DepEd Communications Unit, na hindi sila ang humahawak ng pagkuha ng mga magi­ging judge sa NSPC na dinisis­yunan ng mga opisyal ng Bureau of Ele­mentary Education (BEE) at Bureau of Secondary Education (BSE) na si­yang humahawak sa NSPC.

Nabatid na isinasa­gawa ang judging ng mga “working media” sa NSPC upang matiyak na makakasunod ang mga estudyante sa “journa­lism” sa kalidad ng pamamahayag tulad ng tamang pagsusulat, tamang pagkuha ng litrato, editing, at iba pa na isinasagawa ng pang-nasyunal na media.

BUREAU OF ELE

BUREAU OF SECONDARY EDUCATION

COMMUNICATIONS UNIT

DEPARTMENT OF EDUCATION

NABATID

NATIONAL SCHOOL PRESS CONFERENCE

SHY

SINABI

TINA GANZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with