Inakalang kasama sa rambol, dinedbol

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang bagong gising na street sweeper matapos ma­­­­­­­pagka­malang sangkot sa isa­ng ram­­­bol nang mag-usisa ito sa na­ga­ga­nap ram­­bu­­­lan ka­ha­pon ng ma­da­­­ling-araw sa Ton­do, May­­­­nila.

Ang nasawi dahil sa ti­namong pellet sa dib­dib ay kinilalang si Deo­gra­cias Or­tillo, 58-anyos, residente ng Building 9, Unit 207 Katuparan, Vi­tas, Tondo.

Sa imbestigasyon ng pu­­­lisya, dakong alas-12:30 ng ma­­daling-araw ay ma­­­him­bing natutulog ang bik­­­tima na­ng ito ay ma­a­lim­­­­pu­ngatan sa ka­gu­luhan ma­la­­pit sa kan­yang bahay. Bumangon ito at lu­ma­bas ng bahay para mag-usisa nang bigla na lamang itong barilin ng sus­pek na may nakaaway at inakala na ang biktima ay kasama.

Show comments