Nanalo sa sugal inutas ng talunan

MANILA, Philippine s- Hindi napakinaba­ngan ng isang lalaki ang konting pera na napa­nalunan nito sa cara y cruz nang siya ay sak­sakin at mapatay ng tina­long kalaban sa sugal ka­ma­kalawa ng gabi sa  Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay ki­nilalang si alyas na “Ma­rio”, walang per­ma­­menteng tirahan, ti­na­­­tayang na 45-50 ang edad,  may taas na 5’5”-5’7’ at katamtaman ang pa­nga­ngatawan.

Ang suspek na tu­ma­kas ay kinilalang si Joe Grie Da­yao, 45, may-asa­wa, fish­ball vendor at resi­dente ng no. 2808 Molave St., Tondo, May­nila.

Batay sa ulat, dakong alas -7:00 ng gabi ay mag­­kalaban sa sugal ang biktima at suspek sa ha­rapan ng isang bahay sa no. 2152-A Tomas Mapua St., malapit sa kanto ng Batangas St., Sta. Cruz na kung saan ay na­talo ang huli.

Nang umuwi ang bik­ti­ma sa isang eskinita ay si­nundan ito ng suspek at si­naksak sa dibdib.

Show comments