MANILA, Philippines - May masama umanong dulot sa kalusugan ang paggamit ng e-cigarette kaya pinapayo ng Department of Health (DOH) sa publiko na huwag gumamit nito bunsod ng kemikal na inilalagay dito.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag, hindi makakatulong sa taong gustong ihinto ang bisyo na paninigarilyo dahil hindi naman nakakasiguro kung anong substance ang ginagamit dito.
Aniya, maaaring may panganib sa paggamit nito at diretso pa sa baga, ani Tayag.
“Electronic cigarettes are not advisable since you don’t kick the habit. Humihithit ka pa rin. Kung gusto mong tumigil sa paninigarilyo, take anti-nicotine drugs,†payo ni Tayag.
Nabahala ang DOH sa paglaganap ng mga gumagamit ng e-cigarettes lalo na sa kabataang nagsisimula nang manigarilyo.
“Kasi hindi itsurang sigarilyo kaya nago-glorify pa rin ang smoking. Akala ng bata okay mag-smoke, lalo na mukha lang laruan yung e-cigarette,†dagdag pa ni Tayag.
Ang e-cigarette ay isang mechanical device na walang tobacco o tar at gumagana sa pamamagitan ng rechargable battery.