Abogado kritikal 2 kasama tigok sa ambush

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­disyon ngayon ang isang abogado habang nasawi naman ang kanyang dalawang kasama matapos silang tambangan ng riding-in-tandem sa Zam­boanga City nitong Sabado ng madaling-araw.

Sa ulat ni Zamboanga City Police Director P/Sr. Supt. Edwin de Ocampo, kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Jomer Lozada at Emmanuel Lozada. Patuloy namang isinasalba ang buhay ni Atty. Homer Mabale na nagtamo rin ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng mada­ling-araw habang lulan ng kotse si Mabale at dalawa nitong kasama pauwi na sa ka­nilang tahanan sa Lopez Subdivision, Brgy. Tugbungan ng mangyari ang insidente.

Agad pinagbabaril ng riding-in-tandem ang behikulo ng target na si Ma­bale saka mabilis na tu­­makas.

Sa kasalukuyan, ayon kay de Ocampo ay iniim­bestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pananambang sa mga biktima.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insiden­te ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments