DLSU student tinodas sa dorm

MANILA, Philippines - Sa loob mismo ng tinutuluyang dormitory binaril at napatay ang isang 4th year  student ng De La Salle University-Cavite ng hindi pa kilalang gun­man kahapon ng ma­daling-araw sa Casa Isabel Villa Nicasia, Brgy. Burol Main, Das­mariñas City, Cavite.

Ang biktima ay kinila­lang si Mark Joseph Oliveros nasa hustong gulang, 4th year Medical student sa De La Salle University Health Science Institute Dasmariñas City.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis tu­makas matapos isagawa ang krimen.

Batay sa imbestigas­yon ni PO2 Ronelo Abas, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw nang ma­ganap ang pamamaril  sa loob ng dorm #14 na tinu­tuluyan ng biktima. 

Sa pahayag ng mga ka-dor­mmate na nakarinig sila ng malalakas na kalabog at pagtatalo sa dorm ng biktima at kasunod ay ang sunud-sunod na putok ng baril.

Agad silang humingi ng tulong sa mga kasama at dinala sa pagamutan ang biktima, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Inaalam pa ng pulisya kung paano nakapasok ang suspek sa dorm ng bik­tima at kung kakilala niya ito.

 

Show comments