Paslit tinangay sa QC

MANILA, Philippines -Isang 3-anyos na ba­tang lalaki ang iniulat na na­wawala matapos na tanga­yin ng isang matandang la­laki noong Linggo sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Ang batang nawawala ay kinilalang si John Gab­riel Calimag.

Sa salaysay ng ina ng bata na si Grace Calimag, 29, nitong Linggo ng alas-5:00 ng hapon nang mawala ang kanyang anak matapos na sumunod ito sa kanyang tatay na nagpunta sa palengke na ilang hakbang ang layo sa kanilang bahay sa may no. D-208 Nia Road, Brgy. Pin­yahan.

Hindi anya napuna ng kanyang asawa ang pagsunod ng kanilang anak, hanggang sa hindi na nila ito nakita, simula noon.

Ang bata ay nakasuot ng kulay dilaw na sando at naka-pajama na may bulsa sa magkabilang tagiliran, saka nakasuot ng tsinelas na kulay pula nang ito ay mawala.

Ayon sa isang nakakita na 13-anyos na binatilyo na nakita niya umano ang bata na bitbit ng isang matangkad na lalaking parang Ame­rikano sa may gilid ng MRT (Metro Rail Transit) saka isinakay ito sa isang bus.

Magugunita na kama­kailan ay tinangay din ang 1-anyos na batang lalaki na si Buboy ng isang manga­ngalakal na ibinenta sa isang mag-asawa na taga-Bacla­ran na kalaunan ay naibalik din sa tunay nitong magulang.

Show comments