Bangkang sinakyan tumaob… naligo sa ilog: 5 nalunod

MANILA, Philippines -Nauwi sa trahedya ang paliligo sa ilog ng pitong katao na magkakamag-anak nang magkatuwaan ang mga ito na sumakay ng bangka na aksidente namang lumubog matapos hampasin ng malakas na agos kamakalawa sa ilog ng Brgy. Sto. Tomas, Pampanga.

Batay sa ulat, unang narekober ng mga mi­yem­bro ng search and rescue operations ang bangkay ng padre de pamil­ya na si Alvin Guevarra, 32, dakong alas-7:45 ng umaga kahapon at kinahapunan ay narekober ang bangkay ng misis nitong si Rhea, anak nilang si Aldrey, 7; pamang­kin na sina Jovelyn, 7 at Nigel Ray Lucero, 9.

Nasagip naman ang dala­wang tiyuhin na sina Michael Galaredo, 34 at Leynard Sieza.

Batay sa ulat, nag­ka­tu­waan ang mga biktima na maligo sa ilog at ilang mi­nuto ay nagkayayaan na su­makay sa isang bang­kang maliit bandang alas-2:30 ng hapon.

Habang nasa gitna ng ilog ay nagkakatuwaan ang mga bata at nag­li­likot kung kaya’t tu­magilid ang bangka hanggang sa hampasin ng malakas na agos ng ilog na naging dahilan para malunod ang mga bik­ti­ma.

Show comments