Trak nawalan ng preno, 1 patay

MANILA, Philippines -Isa ang nasawi habang tatlo ang nasugatan nang mawalan ng preno ang isang truck at suyurin ang dalawang iba pang sasak­yan sa Antipolo City kaha­pon ng umaga.

Ang biktima ay nakila­lang si Jerome Bandoja Rocello, 30, residente ng Sta. Mesa, Maynila.

Sugatan namang isinu­god sa pagamutan sina Mark Neil Sanchez, Mic­hael Henson, 31, at Jonathan Henson, 25.

Ayon kay City Traffic Operator Tess Nuezca ng Antipolo traffic division, dakong alas-6:20 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Marcos Highway sa Barangay Ca­bading.

Nabatid na bumibiyahe ang 14-wheeler truck na may kargang buhangin at minamaneho ni Edwin Baluyot, 36, patungong Maynila mula Infanta, Quezon nang mawalan ito ng preno saka suyurin ang ang isang taxi at isang motorsiklo.

Show comments