MANILA, Philippines -Nagpahayag ng maÂriing pagkadismaya si Bataan Rep. Herminia Roman dahil sa patuloy na pagdedma o hindi pagpansin ng Senado sa panukalang batas na sanay magbibigay ng dagdag na burial asÂsistance ng mga war veterans sa bansa.
Si Rep. Roman, chairÂÂperson ng House ComÂmittee on Veterans affairs and welfare, ay nagÂlalayong bigyang pugay ang kontribusyon at kabayanihan ng mga Pilipinong Beterano sa pamamagitan ng kanyang House Bill 229.
Ang nasabing panukala ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara na naglalaÂyong magtataas sa buÂrial assistance ng mga beÂterano mula P10,000 ay gawing P20,000 at nai-akyat na sa Senado noon pang 2011.
Subalit lumipas na ang ilang taong pagÂguÂnita sa Araw ng KagiÂtingan ay nakatengga laÂmang ito sa Mataas na Kapulungan ang counter-part measure na Senate Bill 2851.
Giit ng mambabatas, maituturing sanang magandang regalo para sa mga war veterans kung maipapasa na ang paÂnukalang batas.