Biyenan ni-rape slay ng manugang

MANILA, Philippines -Ginahasa muna bago tuluyang pinatay ang isang 69 na taong gulang na ginang ng kanyang manugang  at itinapon ang bangkay ng biktima sa isang creek sa Dasmariñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/ Supt. Joseph Barias Penaflor, hepe ng Dasmariñas City police ang biktima na si Adeli­na Fernan, balo, isang manghihilot  na residente ng Sitio Humayao Brgy. Langkaan 2 sa lungsod.

Ang suspek na tuma­kas matapos ang krimen ay kinilalang si Noel Valle, 45, manugang ng biktima at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigas­yon ni PO3 Aaron Abesamis,  may hawak ng kaso,  dakong alas- 9:30 ng gabi ng matagpuan ng mga barangay tanod ang ‘half naked’ na katawan ng bik­tima sa isang creek at wala ng buhay.

May malaking sugat sa noo ang biktima na hinihinalang hinataw ng suspek bago inihulog sa nasabing creek.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na ganap na alas-8:00 ng gabi ng simulang hanapin ng anak ng biktima na si Tessie Valle, asawa ng suspek, ang kaniyang ina pero hindi nito makita, kaya nagpasyang umuwi na sa kanilang bahay at doon dinatnan ang kanyang mister.

Tinanong ni Tessie ang kanyang mister kung nakita nito ang kanyang Nanay pero hindi siya sinagot,  sa halip ay inutusan siya na ikuha ng damit para umano magbihis.

Kinabahan at nagdula si Tessie sa kilos ng asawa na posibleng may kinalaman ito sa pagkawala ng kanyang Nanay kaya muli itong lumabas ng bahay at humingi ng tulong sa barangay para hanapin ang nawawalang biktima hanggang sa matagpuan ito sa creek na wala ng buhay.

Nakuha sa tabi ng bang­­kay ng biktima ang t-shirt at sumbrero ng suspek kaya mabilis na binalikan ng mga barangay official ang tahanan para arestuhin ang suspek pero nakatakas na ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posible umanong nanlaban ang biyenan sa kanyang manugang nang ito ay halayin kaya pinukpok ng matigas na bagay sa kanyang ulo na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Show comments