Pinoys scientist susuriin ang pinsala sa Tubbataha
MANILA, Philippines - Magsasagawa ng ecoÂÂlogical assessment sa pinsalang iniwan ng US Minesweeper sa Tubbataha Reef ang isang grupo na binubuo ng mga Pilipinong maÂrine biologist, engineer at reÂsearcher na tumulak kaÂmakalawa ng gabi paÂtuÂngong Tubbataha Reef sa Palawan.
Ayon kay Tubbataha Park Superintendent Angelique Songco, ngaÂyong araw sisimulan ang pagsisid sa gagawing follow-up assessment upang pag-aralan ang mga ilalatag na istratehiya para sa rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng bahura na pinagsadsaran ng US warship.
Nananatili pa rin sa Tubbataha ang ilang taÂuhan ng US Navy at ang kanilang biologist sakaling kailanganin pa ng kanilang tulong para sa gagawing ecological assessment.
Nilinaw din ni Songco na nakapaloob na sa 1.4 milyong dolyares na kaÂtumbas ng P58-M ang kabuuang danyos na dapat bayaran ng Estados Unidos kabilang na rito ang bayad para sa multa at gagastusin para sa rehabilitasyon ng Tubbataha.
- Latest