MMDA survey: Bernabe panalo sa ParaÑaque
MANILA, Philippines - Panalo sa isinagawang survey ng Metropolitan Manila Development Authority si Councilor FloÂrencio “Benjo†Bernabe III sa pinakamalapit na kaÂlaban nito sa pagka-alÂkalde ng Parañaque City.
Sa survey na isinagawa noong February 24, nakakuha si Bernabe ng 68.3 porsiyento na boto mula sa mga respondents ng siyudad na higit doble sa nakuhang boto sa kalaban nito na si Rep. Edwin Olivarez na umabot lamang sa 31.3 percent.
Sa mga nagsabing iboboto nila si Bernabe, 51 percent ay mula sa unang distrito at 49 percent mula sa ikalawang distrito ng siyudad.
Lumilitaw din sa survey na halos magkasindami ang pabor kay Bernabe ang mga babae at lalaking botante.
Kinopo rin ng konsehal ang mga botante mula sa iba’t ibang edad at klase ng pamumuhay.
Ayon sa self-rated socio economic status, kaÂramihan ng boboto kay Bernabe ay mga taong nasa linya, o ang mga middle class. Nakakuha rin si Bernabe ng boto mula sa mga nagsasabing sila ay mahirap
Ayon pa sa survey, karamihan sa mga bumoto kay Bernabe ay may edad 30 hanggang 39 taong gulang, sunod ay ang 40-49 taong gulang at ang mga botanteng edad 18-29 taong gulang.
Sa pagka-vice mayor, lamang ang running mate ni Bernabe na si Rico GoÂlez na nakakuha ng 76 porsiyento ng mga boto at 22 porsiyento lamang kay Edwin Benzon.
Ang naturang survey ay mayroong 300 respondents, margin of error ng +/-6 percent at level of confidence na 95 percent.
Sina Bernabe ay tumaÂtakbo sa ilalim ng UniÂted Nationalist Alliance (UNA).
- Latest