Jailguard nawalan ng malay habang nagbabantay, patay

MANILA, Philippines - Isang jailguard ang hindi na umabot ng buhay sa ospital nang ito ay mawalan ng malay habang nag­ba­bantay sa gate ng Quezon City Jail kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi ay kinilalang si JO2 Fernando Rivas, 44, may-asawa, nakatalaga sa nasabing city jail, at residente sa # 2 Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit, sa lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:40 ng madaling-araw ay nagbabantay sa entrance gate ng nasabing city jail ang biktima na matatagpuan sa Brgy. Kamuning kasama kaibi­gang  si JO1 Anecor Colona nang bigla na lamang bumuwal ito mula sa kanyang upuan at mawalan ng malay.

Tinulungan ni Colona ang biktima at muling iniupo ito, pero muling nabuwal at may lumabas na dugo sa bibig nito.

Humingi na ng tulong si Colona sa kanyang mga kasamahan at isinugod nila ito sa naturang ospital ang biktima,  pero namatay ito sa daan pa lamang.

 

Show comments