Mister nakipaglamay, pinatay

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay kagagaling lamang sa lamay o burol ng kanyang pamangkin sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktima na kinilalang si Julius Francis Cabales, 38, matansero, na residente ng #13 Kasunduan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Batay sa ulat ni SPO1 Restituto Zaldariaga ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-3:30 ng hapon # 11Kasunduan St., sa nasabing barangay.

Ayon sa testigong si Elena Cabales, sister in law ng biktima, kagagaling lamang sa lamay ang biktima nang siya ay pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek na sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Show comments