^

Police Metro

Evacuation advisory ng NoKor, ipinalabas

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng advisory ang North Korea (Nokor) na nag-aatas sa mga foreign embassies na lumikas dahil sa nakaambang all-out nuclear war sa Korean Peninsula.

Sinasabi sa abiso ng Nokor, pinalilikas na ang mga dayuhang dip­lomats at embassy staffs dahil hindi umano masisiguro ng Nokor ang kanilang seguridad sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Pyongyang at ng South Korea na susuportahan ng Estados Unidos.

Sinabi ng Nokor na hindi nila maiga-garantiya ang kaligtasan ng fo­reign diplomats sa anumang magaganap na nuclear conflict.

Dahil dito, agarang nagpulong ang mga fo­reign envoy na nakabase sa Pyongyang hinggil sa nasabing evacuation advisory ng Nokor na la­long nagpapataas ng tensyon sa nasabing rehi­yon.

Nagkarga na ang Nokor ng missile sa kanilang mobile launchers bilang paghahanda sa missile launching na posibleng ipatama sa South Korea at sa tinatarget na military bases ng US sa Guam.

 

 

DAHIL

ESTADOS UNIDOS

KOREAN PENINSULA

NAGKARGA

NAGPALABAS

NOKOR

NORTH KOREA

SINABI

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with