^

Police Metro

Pastor na party-list coordinator itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapitang bina­ril ng nag-iisang gunman ang isang pastor at provincial coordinator ng 1st Kabagis party-list habang naki­kipag-usap ito sa kanyang mga kapatiran kahapon ng umaga sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa batok na naglagos sa panga ay nakila­lang si Macario Campanio, 40-anyos, pastor ng Church of Christ.

Ayon kay  SPO4 Ramelito Piedad, desk officer ng Laoag City Police, naitala ang krimen bandang alas-8:00 ng umaga sa kahabaan ng Fariñas St., sa nasabing lungsod.

Ayon kay Piedad, kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima sa ilang mga kasamahan nito sa pana­nampalataya sa tapat ng kanyang bahay nang lapitan ng salarin at paputukan sa batok.

Agad na bumulagta ang pastor habang mabilis namang tumakas ang suspek kasama ang isa pang lalaki na nagsilbing lookout sa krimen.

 Nagawa pang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Ayon sa pamilya na wala silang alam sa motibo ng pagpatay sa biktima na walang natatanggap na death threat.

vuukle comment

AYON

CHURCH OF CHRIST

FARI

ILOCOS NORTE

LAOAG CITY

LAOAG CITY POLICE

MACARIO CAMPANIO

RAMELITO PIEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with