^

Police Metro

Tulog nasagi ang paa, pumatay

Ludy Bermundo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang  24 anyos na pedicab driver nang saksakin ng kaniyang kabaro, matapos maalimpungatan ang suspek dahil sa pagkakasagi sa paa nito habang natutulog sa loob ng kanyang pedicab sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktimang si Alex Estabillo, ng #321 Lakandula St., Tondo dahil sa tinamong saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Eddie”, pedicab driver.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Lakandula at Wagas Sts, Tondo.

Ayon sa report, natutulog ang suspek sa loob ng kanyang pedicab nang hindi sinasadyang masagi ang paa nito kaya nagising at nagalit hanggang bumunot ng patalim at pagsasaksakin ang biktima.

vuukle comment

ALEX ESTABILLO

AYON

EDDIE

GAT ANDRES MEMORIAL MEDICAL CENTER

GLENZOR VALLEJO

LAKANDULA

LAKANDULA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

WAGAS STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with