MANILA, Philippines -Hindi na nangilin sa Mahal na Araw ang isang 21-anyos na lalaki dahil humihingi ito ng sex sa isang 18-anyos na babaing estudyante na may-ari ng isang bag na napulot nito sa Bacoor City, Cavite.
Inakala ng suspek na kinilalang si Joey Felicio, tubong Bohol, helper at residente ng Sunnydale, Brgy. Salawag, Dasmariñas City Cavite na makaka-jackpot siya dahil sa pumayag ang biktimang si Danica Ancheta, 18-anyos, estudÂyante, residente ng Brgy. Talaba 2, Bacoor City, Cavite, na makipagkita sa kanya na pumayag sa gusto nito para lang maibalik ang kanyang bag.
Nabatid na ang bag ni Ancheta ay naglalaman ng cellphone, digital caÂmera, cash money, damit at iba pang gamit.
Tinext ng suspek si Ancheta na isosoli lamang niya ang bag kung papayag ito ng isang gabing pakikipag-sex.
Pero, naisahan ni Ancheta ang suspek dahil humingi na ito ng tulong sa pulisya para sa isang entrapment operation na kung saan ay ipinabasa niya sa mga pulis ang mga text nito at kung saan sila magtatagpo para maisoli ang bag.
Nagtungo ang biktima sa isang mall para katagpuin ang suspek na ilang minuto ay dumating dala ang kanyang bag.
Matapos masiguro ng biktima na dala ang kanyang bag ay nagkunwari na itong sasama sa suspek sa isang motel malapit sa mall.
Nang aktong isasama na ng suspek ang biktima sa motel ay dito na lumabas ang mga nakatagong pulis at sinunggaban ang nagulat na suspek na hindi nakuha pang manlaban.
Siniyasat ng pulisya ang digicam ng biktima at dito ay nakita na ginamit ng suspek sa pagkuha sa kanyang sarili na mga kalaswaan na ipapakita sana nito sa biktima kung sakaling natuloy sila sa balak nito.
Patung-patong na kaso ang isinampa ng pulisya laban sa manyak na suspek.