MANILA, Philippines - Ibinasura ng korte ang kahilingan ni dating Autonomous Region Muslim Mindanao (ARMM) GoÂvernor Zaldy AmpaÂtuan na mag-“leave from imprisonment†sa kanyang piitan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City upang makadalo sa graduation ng kanyang panganay na anak sa Cotabato City.
Sa tatlong pahina na kautusan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes noong March 22 na ang graduation ay hindi kuwalipikado bilang emergency.
Si Zaldy ay isa sa 195 na akusado sa Maguindanao massacre noong Nov. 23, 2009, kung saan may 58 katao ang nasawi, kabilang ang 32 mamamaÂhayag.
Magugunita na hiniling ni Ampatuan sa korte na payagan siyang makapagbiyahe sa Marso 24 para makadalo sa commencement exercises na kanyang anak na si Prince Sufri Norrabie, 19 sa may Albert Einstein School sa Cotabato City.
Giniit ni Reyes na naiintindihan ng korte ang kahilingan ni Ampatuan bilang ama na dumalo sa graduation na maaaÂring pamarisan naman ng iba pang akuÂsado.