MANILA, Philippines - Nananawagan ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pasahero na huwag sumaÂkay sa mga kolorum na motor vessel at iba pang sasakyang pandagat.
Sinabi ni PCG Spokesman Lt. Cmdr. Armand Balilo sa Balitaan sa TinaÂpayan na walang katiyaÂkan ang kaligtasan ng isang pasahero na gustong maÂkauwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong Mahal na araw gamit ang sasakÂyang pandagat.
“Huwag tayong mag-take ng chances para sa ating kaligtasan kaya huwag tayong sumakay sa mga colorum na sasakyang pandagat†ayon kay Balilo.
Paliwanag ni Balilo na ang “colorum†na sasakÂyang pandagat ay yaong mga fishing boat na kadalasan ay nakikita lamang sa mga baybaying dagat at nagkukumbinsi ng kanilang mga pasahero.
Dagdag pa ni Balilo na ang mga colorum ay yaong mga hindi dumaan sa pag-inspeksiyon sa mga pasahero, wala rin mga safety gadget tulad ng life jacket at hindi rin insured ang mga pasahero
Ayon pa kay Balilo, hindi rin kaagad matutulugan ang mga pasahero kung sakaling may aberya ang kanilang sinasakyan dahil hindi konektado ang kanilang radio contact sa mismong tanggapan ng PCG.
Hindi rin umano nakadisenyo ang fishing boat na pampasahero at karamihan din sa mga ito ay over-loaÂding kung magsakay ng pasahero.