Tanod, timbog sa droga

MANILA, Philippines - Timbog sa mga elemento ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay tanod dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Cebu, noong Martes ng umaga.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.  ang nahuling suspek na si  Mario Inoc,  barangay tanod at residente sa  Barangay Poblacion, Cordova, Cebu. Si Inoc ay sinasabing kabilang sa watch drug personalities sa rehiyon bunsod ng talamak umanong pagtutulak ng droga.

Nakuha mula kay Inoc ang anim na gramo ng ipinagbabawal na gamot.

Show comments