Judge sa Koronadal City sinibak
MANILA, Philippines - Dahil sa pagiging mangmang sa batas kung kaya’t sinibak ng Korte Suprema ang isang hukom matapos na maglabas ng dalawang desisyon sa usaping hindi sakop ng una.
Sa per curiam decision ng Supreme Court en banc, si Judge Oscar E. Dinopol, ng Koronadal City RTC Branch 24 ay napatunayang ignorante sa batas matapos na maglabas ng dalawang desisyon isang araw ng Sabado at itinaon pa na ito ay gabi.
Ayon sa SC, nagkaÂsala si Judge Dinopol ng gross ignorance of the law. Kaugnay nito, tuluyan na ring tinanggal sa kaniya ang laÂhat ng mga benepisyo, pagbawal sa anumang poÂsisyon sa gobyerno kaÂbilang na sa anumang government-owned and –controlled corporations.
Nabatid na ibinase ng Korte Suprema ang desisyon sa anim na mga administrative charges mula ng siya ay naupo bilang huwes sa nasabing korte.
Kabilang sa mga inisyu ni Dinopol ay ang preliminary injunction kay Rey Vargas bilang officer-in-charge ng office of the geÂneral manager sa Koronadal water district (KWD).
Nag-isyu din ito ng writ of preliminary injunction laban kay Vargas at ilang oras lamang ang nakalipas ay nag-isyu rin ng pagpa-aresto kay Eduardo Panes, Jr., security guards ng Supreme Investigative and Security Agency, Juancho Holgado, at iba pang nasa No. 79 G.H. Del Pilar Street, Koronadal City hinggil sa implementasyon ng 24 March 2007 Order nito.
Ayon sa Court En Banc nabigo si Judge Dinopol na ipaliwanag ang pag-isyu niya ng mga kautusan sa unwarranted arrest at incarceration of powerless individuals.
- Latest