9,500 pulis sa MM idedeploy sa Semana Santa

MANILA, Philippines - Nakatakdang ideploy ang 9,500 pulis sa Metro Manila na mangangalaga sa paggunita ng  Semana Santa umpisa sa darating na Lunes Santo.

Ito ang inihayag ni NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina kasabay ng pagsasailalim sa ‘heightened alert  status’ sa buong puwersa ng kapulisan sa Metro Manila.

Partikular namang mahigpit na babantayan ay ang pagdagsa ng mga tao sa mga pangunahing bus terminals sa Metro Manila kabilang sa Cubao, Quezon City, Pasay City at Lawton sa lungsod ng Maynila.

Gayundin ang mga daungan at bisinidad ng paliparan kung saan marami ang mga taong dumaragsa rito para magtungo sa mga probinsya.

Bukod dito ay bantay sarado rin ang mga Simbahang Katoliko sa Metro Manila na inaasahang daragsain ng daang libong  mga deboto kaugnay ng Visita Iglesia.

 

Show comments