^

Police Metro

Ginang inutas sa harap ng pamilya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Mistulang huling hapunan na ng isang 58-an­yos na ginang ang pagkain nito kasama ang kaniyang pamilya makarang pagbabarilin ng dalawang la­la­king maskarado na pumasok sa kanilang bahay sa Talacogon, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si Mina Manpatilan, ng Purok 5, Brgy. Zillovia, Talacogon ng lalawigan na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at leeg.

Batay sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi habang kumakain ng hapunan ang ginang kasama ng kaniyang mister at dalawang anak sa loob ng kanilang bahay nang pumasok ang mga salarin.

Agad pinagbabaril ng mga ito ang ginang at hindi naman sinaktan ang pa­mil­ya nito.

Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM, cal 45 pis­tol.

 

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BRGY

MINA MANPATILAN

MISTULANG

NAREKOBER

NASAWI

NORTE

TALACOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with