MANILA, Philippines -Isang lalaking hostage taker ang pinagbabaril at naÂpatay ng mga pulis nang tangkaing halayin ang bihag nitong babae kaÂmaÂkalawa sa Pasay City.
Ang suspek na nasawi noon din dahil sa anim na tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Manolo GonÂzales.
Nasugatan at ginaÂgaÂmot sa Manila AdvenÂtist Medical Center ang biÂniÂhag at tangÂkang gaÂhaÂsain nitong si Joan Olmoguis Limit, 33-anyos, residente ng Brgy. 23 Zone 2, Pasay at barangay tanod na si Joselito Angeles na siÂnakÂsak ng suspek.
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ay nagÂpapatrulya ang mga pulis na sina PO2s Leo Chavez at Pellevello Geremy nang mapansin ang patalim na bitbit ng suspek sa kanto ng Gil Puyat Avenue at FB Harrison Street.
Sinita ng dalawang pulis ang suspek, subalit nagÂtaÂtakbo ito kaya’t hiÂnabol ng mga una na kung saan ay huÂmarang ang biktimang si Angeles kaya’t sinaksak ng suspek sa braso.
Pinasok naman ng susÂpek ang bahay ni Limit at biÂnihag ito na kung saan ay nakipagnegosasyon ang mga otoridad para sa payaÂpang pagsuko ng una na nagÂmatigas naman.
Napilitan ang mga pulis na pasukin ang bahay nang magsisigaw ng saklolo ang babae at inabutan na hubo’t hubad ang biktima na pinatungan ng suspek para halayin kaya’t nagdesisyon ang mga pulis na barilin ito.